Nakaligtas sa ambush noong Lunes ng hapon ang isang kandidato para sa pagiging alkalde ng Buenavista, Bohol.

Ayon sa ulat ng “24 Oras,” pinaulanan ng bala ang abogadong si Rico Cabarrubias habang nakasakay sa kanyang kotse kasama ang kanyang driver dakong alas dos ng hapon sa bayan ng Getafe.

Sa kasawiang palad, namatay ang driver ni Cabarrubias.

Patuloy ang imbestigasyon at paghahanap ng mga pulis sa suspek.

Noong isang buwan lamang, napatay rin ng isang grupo ng hitman si Ako Bicol party-list representative Rodel Batocabe na tatakbo dapat para sa pagka-alkalde ng Daraga, Albay sa eleksiyon.

Sinampahan na ng kasong murder ng mga pulis si Daraga, Albay mayor Carlwyn Baldo at anim na iba pa dahil sa pagkamatay ni Batocabe. —Llanesca Panti/ LDF, GMA News