Natagpuan ang isang bangkay ng babae sa loob ng isang drum sa Taguig City nitong Miyerkoles ng umaga.
Sa ulat ng Super Radyo dzBB, sinabing walang pagkakakilanlan ang biktima na tinatayang nasa 18 hanggang 20-anyos.
Sa inisyal na imbestigasyon, natagpuan ang bangkay sa loob ng drum dakong 7 a.m. sa Central Bicutan, Taguig.
Iniimbestigahan na ang insidente. —LBG, GMA News
