Hugis kutsilyo at may matatalas na ngipin ang "knife fish" na karaniwang nakikita sa Laos, Thailand, Cambodia at Vietnam. Pero sa nakalipas na mga taon at sa hindi malamang dahilan,  nakarating ito sa Laguna de Bay, at patuloy ngayon na namiminsala.

Dahil walang kalaban na ibang uri ng isda sa lawa ng Laguna, mabilis na nakapagpaparami ang knife fish. Ang problema pa, kinakain niya ang ibang lokal na uri ng isda na karaniwang hinuhuli ng mga mangingisda sa lawa.

Ang resulta, nabawasan na ang nahuhuling lokal na isda sa lawa, habang patuloy na dumadami ang nahuhuling dayuhang isda at mas malalaki pa. Papaano nga kaya mauubos ang knife fish sa lawa at papaano nag-a-adjust ang mga mangingisda sa nagiging pagbabago sa pinagkukunan nila ng kabuhayan.

Panoorin ang pagtutok na ito ng programang "Born To Be Wild."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News