Nasagip ng mga crew ng isang barko ang dalawang Koreanong diver na ilang oras na umanong palutang-lutang sa dagat sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.



Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing humingi ng saklolo ang dalawang Koreano na tatlong oras na umanong nasa dagat na malakas ang alon at hangin.

Kaagad naman silang nilapitan ng crew at hinagisan ng salbabida at saka isinakay sa barko.

Makikita umano na ginaw na ginaw ang dalawa dahil sa matagal na pagkakababad sa dagat.

Kuwento ng dalawa, nagpunta sila sa isang diving site sakay ng maliit na bangka. Pero nang umahon sila ay wala na ang kanilang sasakyan.--FRJ, GMA News