“No work, no pay” ang November 1 and 2, dahil ideneklara ng Pangulo ang mga araw na ito ng Undas na non-working days, ayon sa Department of Labor and Employment. 

Nagbigay naman ng kaukulang computation ang DOLE sa sahod ng mga manggagawa kung papasok sila sa trabaho sa naturang mga araw, ayon sa ulat ng Unang Balita.

Ayon sa DOLE, sa mga papasok na taga-pribadong sektor, may dagdag na 30 porsiyento sa inyong sweldo sa unang walong oras ng trabaho.

At kung mag-o-overtime naman, may dagdag pang 30 porsiyento sa inyong hourly rate.

Mas malaki naman ang magiging sweldo maggagawa kung pumatak na rest day nila ang November 1 at 2 papasukan nila ito. —LBG, GMA News