Nasagip ng mga awtoridad ang 20 babae mula sa dalawang spa sa Quezon City at as Las piñas na nag-aalok umano ng extra service sa kanilang customers.

Iniulat ulat sa Unang Balita ni Darlene Cay na bukod sa simpleng masahe sa isang spa sa Bragangay Bagumbayan, nag-aalok pa umano sila ng special service.

Pahayag ng makapanayam na receptionist nang tanungin ng mga awtoridad kung magkano ang bayad sa extra service, “Hindi ko alam, depende kasi sa kanila kung all the way, di ko alam kung ano yung kaya nila. May split, may tumbling, may singing … ganun.”

May unli rin daw, dagdag pa ng receptionist.

Na-rescue ng mga operatiba ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC) ang 13 kababaihan noong Huwebes ng gabi. Nasagip din ang isang 4-anyos na batang lalaki na anak umano ng isa sa mga biktima.

Inaresto and receptionist na tumangging  magbigay ng pahayag.

Samantala, na-rescue din sa operasyon noong Huwebes ng gabi mula sa isa pang spa sa Barangay Talon Dos sa Las Piñas City ang pitong babae.

Iniulat din ng PNP-WCPC na isa sa mga babaeng na-rescue ay pinaniniwalaang menor de edad.

Dalawa ang arestado sa nasabing operasyon, at pareho silang nagsabing mga tagabantay lamang sila.

Mahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-trafficking in Persons Act ang mga naarestong suspek.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga nasagip na biktima. —LBG, GMA News