Isang patay na bagong silang na sanggol ang iniwan sa palikuran sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Isang janitress ang nakadiskubre sa sanggol na nakabalot ng plastic sa basurahan.

Agad na tinawag ang airport medical at sinubukan pang i-revive ang sanggol pero bigo sila.

Ayon sa medical team, sinakal pa ang sanggol bago iniwan.

Sinusuri na ng pulisya ang mga CCTV para matukoy kung sino ang may kagagawan nito sa sanggol. —KBK, GMA News