Ibinisto ni Chariz Solomon na bukod sa mapili si Arra San Agustin pagdating sa pag-ibig, mga “big time” o mga mayayaman ang mga nanliligaw noon sa aktres.
Sa guesting nina Arra at Mikoy Morales sa “Your Honor,” tinanong sila kung pinormahan na sila ng may jowa o may asawa na.
“Feeling ko naman meron, oo. Pero nakalimutan ko na siya eh. Hindi ko naman binigyan ng atensiyon,” sagot ni Arra.
Paglalahad ni Chariz, bukod sa may mga nirereto siya noon kay Arra, mga “big time” pa ang mga manliligaw nito.
“Alam mo, ang hirap niyang alayan [si Arra]. Noong single siya may mga inaalay ako sa kaniya. Tsaka 'yung mga nanliligaw sa kaniya, mga big time,” sabi ni Chariz.
Biro ng Your Honor host, maaari nang hindi magtrabaho si Arra kung sakaling may makatuluyan siyang mayamang manliligaw.
“‘Huwag ka nang tumayo sa kama na ‘yan. Ang yaman-yaman mo na,’” biro ni Chariz noon kay Arra.
“Pero talagang, o elbow (tinatanggihan ni Arra),” sabi pa ni Chariz. “Ang galing. Sabi ko, ‘Sana sa akin na lang nanligaw, hindi ko e-elbow-in.’”
May paliwanag si Arra kung bakit ganoon na lamang siya kapihikan pagdating sa mga lalaki.
“'Pag hindi ko kasi talaga trip, ‘di ko trip eh. Hinahanap ko 'yung connection, ‘yun talaga. Kahit guwapo ka pa o kahit sobrang yaman mo pa, 'pag hindi ko naramdaman sa 'yo 'yung gusto kong maramdaman, goodbye,” sabi niya.
“Wala talaga, kahit anong pilit ko, kahit anong pilit mo, hindi ko talaga kaya,” dagdag pa ni Arra.
“Alam mo na, Juami, nakikinig ka ba?” Wow!” biro niya sa kaniyang nobyo na si Juami Tiongson
Kinumpirma ni Arra noong nakaraang taon na nagkabalikan sila ng PBA player na si Juami Tiongson.
https://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/familyandrelationships/934368/arra-san-agustin-says-she-and-juami-tiongson-are-back-together/story/
Sa isa namang nakaraang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi ni Arra na si Juami ang kaniyang standard o “benchmark” pagdating sa lalaki. – FRJ GMA Integrated News
