Sandaling natigil ang biyahe ng Light Rail Transit 1 (LRT1) nitong Miyerkoles ng umaga matapos mahulog ang isang babae sa riles ng tren mula sa platform, ayon sa ulat ni Isa Avendaño-Umali Dobol B sa News TV.

 

Naganap ang insidente bandang 6:45 a.m. sa Doroteo Jose Station sa Maynila, ayon kay Jacqueline Gorospe, head of communications ng Light Rail Manila Corp. (LRMC).

"We had an incident earlier at around 6:45 am. A female passenger got dizzy and fell on our train track at D. Jose station," ani Jacqueline Gorospe.

 

 

Dinala na ang hindi pinangalanang babae sa malapit na ospital para maobserbahan.

Tumagal ng 24 minuto bago naibalik sa normal ang operasyon ng LRT1.

Ayon kay Gorospe, kinakailangang itigil muna ang operasyon para ma-secure ang area at masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

"We had to stop operations for a few minutes to secure the area and for safety. Pero bumalik din sa normal operations in 24 mins. Pax (female passenger) was brought to the hospital and is being checked now," aniya. —KBK, GMA News