Nagpapagaling ngayon ang isang lalaking medical staff matapos siyang sabuyan ng bleach dahil sa pag-aakalang mayroon siyang COVID-19 sa Tacurong, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing pauwi na siya mula sa trabaho sa St. Loius Hospital nang mangyari ang insidente.

Tinamaan ang mata ng lalaki, pero ligtas na siya ngayon nang bigyan ng antibiotic eye drops.

Hindi na ini-report pa ng medical frontliner sa pulisya ang nangyari. — Jamil Santos/DVM, GMA News