Pansamantalang ginagamit sa ngayon ang isang lugar sa NAIA Terminal 4 na COVID-19 testing center para sa mga tauhan ng Manila International Airport Authority.

Sa ulat ni Jhomer Apresto sa Dobol B sa News TV nitong Huwebes, sinabing sinimulan na nitong Miyerkules ang testing at may 1,500 na mga tauhan ng MIAA ang nagpa-test sa aray na yon.

Isinasagawa ang testing sa paliparan matapos makapagtala ng 55 COVID-19 cases sa mga tauhan ng MIAA.

Nungit sa bilang na ito 17 na umano ang gumaling, ayon sa ulat.

Hinikayat naman ng MIAA ang mga tauhan at kawani nito na nais magpa-test na magpunta lamang sa NAIA Terminal 4.

Nilinaw naman ng MIAA na exclusive lamang para sa mga tauhan nito ang testing service sa NAIA. —LBG, GMA News