Nahuli sa isang buy-bust operation ang kapatid umano ng isang sikat na singer at ang kasama nitong barangay tanod sa Quezon City.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules na kinilala ang mga suspek na sina Rusmon Pineda at ang tanod na si Rojimar Frilles Romero na siyang nagmamaneho ng motorsiklong kanilang ginamit.

Nangyari ang operasyon sa Barangay Obrero, matapos umano ang tatlong linggong pagmamanman sa mga suspek.

Nakuha mula sa kanila ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000, ayon sa mga pulis.

Walang pahayag si Pineda, at ayon kay Romero naghatid lamang umano siya bilang isang “public servant.” —LBG, GMA News