Pumanaw nitong Linggo sa edad na 55 ang comedian at television personality na sa Gil Aducal Morales, na mas kilala sa bilang si Ate Gay. Ang mga kapuwa niya celebrity, nagluluksa. Nangyari ang paglisan ni Ate Gay ilang linggo lang matapos siyang magdaos ng “living funeral” upang ipagdiwang ang kaniyang buhay.
Ibinahagi ng kaniyang pamilya sa social media post ang malungkot na balita nitong Linggo, ilang araw matapos isugod sa ospital ang komedyante dahil nahirapan umanong huminga. Noong nakaraang taon, natuklasan na mayroon siyang cancer.
"It is with profound sadness and heavy hearts that our family announces the passing of our beloved Aducal Morales, lovingly known to many as Ate Gay, on November 1, 2026. After bravely fighting for his life, while surrounded by his family, our beloved Ate Gay has peacefully passed away," saad sa post ng pamilya.
"During this difficult time, our family would like to express our deepest gratitude to everyone who extended their prayers, love, financial assistance, and unwavering support throughout his battle. Your kindness and generosity have meant so much to our family," dagdag nito.
Humiling ang pamilya ng panalangin, "for his eternal repose and for strength and comfort for our grieving family."
"Rest peacefully in the loving arms of our Lord, Ate Gay. You will forever remain in our hearts," patuloy nila.
Ibabahagi rin nila ang detalye sa magiging burol ni Ate Gay kapag naayos na ang lahat.
“With love and gratitude, The Family of Gil Aducal Morales," saad pa nila sa post.
Noong Oktubre 17, isinugod si Ate Gay sa ospital matapos umanong mahirapang huminga at inilagay siya sa Intensive Care Unit (ICU).
"According to his doctors, he suffered septic shock and acute respiratory failure secondary to pneumonia, or a severe infection that affected his breathing and blood circulation," pagbahagi noon ng pamilya sa post.
Bagaman nalampasan umano ni Ate Gay naunang septic shock, nakaranas naman siya ng stroke noong October 29 at naapektuhan ang kanang bahagi ng kaniyang utak.
"At present, he still relies on life-support machines to support his body's vital functions. His condition remains critical but guarded," anang pamilya.
Na-diagnose si Ate Gay na may stage 4 cancer noong 2025.
Nang maibalita ang kaniyang kalagayan, may tumulong sa gastusin sa kaniyang radiation therapy sa Asian Hospital, habang isang tagahanga naman ang nagpahiram ng condominium unit na malapit sa ospital para tuluyan niya habang nagpapagamot.
Noong Nobyembre, sinabi ni Ate Gay na “graduate” na siya sa radiation at chemotherapy.
Noong Hunyo lamang, ibinahagi ng komedyante na wala na siyang bukol sa leeg at ilong matapos sumailalim sa MRI (Magnetic Resonance Imaging).
Living Funeral Celebration of Life
Ilang araw bago siya isugod sa ospital nitong nakaraang Oktubre, nagdaos ng “Living Funeral” si Ate Gay upang ipagdiwang ang kaniyang buhay.
Dumalo sa naturang pagdiriwang ang kaniyang mga kaibigan at miyembro ng pamilya.
"Celebration of Life … Undasko 2026," saad niya sa isang post.
Sa naturang pagtitipon, nagbigay ng mensahe ng pagmamahal para sa kaniya ang mga dumalo.
Ayon kay Ate Gay, may gusto niyang madinig ang mga ito habang buhay siya.
Nagluluksa
Kasunod ng kaniyang pagpanaw, ilang personalidad sa industriya ng showbiz ang nagpahayag ng kanilang pagdadalamhati, kabilang sina Heart Evangelista at Tuesday Vargas.
Sa kaniyang Instagram Stories, nagbahagi si Heart ng maikli ngunit taos-pusong mensahe para sa yumaong komedyante.
“Rest na angel,” saad niya.
Nagbigay naman ng madamdaming pagpupugay si Tuesday kay Ate Gay sa Facebook.
Binalikan din niya angmga unang araw nila sa comedy bar at ang kung paano naging malaking impluwensiya ang yumaong komedyante sa kaniyang karera.
“For more than a year you fought a hard battle and yet you stayed soft and kind,” ani Tuesday.
“It’s hard to find the right words to capture the size of the void left by her passing,” dagdag niya. “I woke up feeling this emptiness today.”
Inilarawan ni Tuesday si Ate Gay bilang isang pioneer at isang “absolute titan of comedy.”
Inalala rin niya na nananatili siya sa venue matapos ang sarili niyang pagtatanghal para panoorin ang komedyante habang nagtatanghal sa entablado.
Nagpaabot din ng kanilang pakikiramay sina Lotlot de Leon, Ogie Diaz, EA Guzman, Rodjun Cruz, Dawn Zulueta at iba pa sa comment section ng Instagram post na nag-anunsiyo ng pagpanaw ni Ate Gay.
“We will miss all the funny moments, you never failed to make us laugh in all your gigs,” saad ni Joshua Zamora. “Condolences to the bereaved family.”
Bukod sa husay sa pagpapatawa, pag-awit at paggaya sa namayapa na ring si Nora “Ate Guy” Aunor, nakilala si Ate Gay sa kaniyang “mash-up” songs o paghahalo-halo ng mga kanta.
—FRJ GMA News
