Marami pa ring mga tanong ang hindi nasasagot sa pagkamatay ni Christine Dacera noong Enero 1 sa isang hotel sa Makati. Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," inihayag ng apat na kaibigan ng namayapang flight attendant ang kanilang panig at nalalaman sa nangyaring insidente.

Bagamat unang lumabas sa medical report na aneurysm ang ikinamatay ni Christine, matatag naman ang paniniwala ng kaniyang ina na pinagsamantalahan at hindi aksidente ang pagkamatay ang dalaga.

Ano nga ba ang nangyari at humantong sa trahediya ang dapat sana'y masayang selebrasyon ng magkakaibigan sa naturang hotel sa Makati?

Bakit nga ba may mga nakitang pasa at sugat kay Christine? Ano ang kuwento sa likod ng mga eksena na kuha sa CCTV na may hinakalikan at binuhat pa siya sa hallway ng hotel?

Tunghayan ang mga kasagutan at hinanakit ng mga kaibigan ni Christine sa panayam na ito ni Jessica Soho, at maging ang panig ng ina ni Christine.


--FRJ, GMA News