Isang direktor sa teatro ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagbebenta umano ng mga pekeng luxury items, ayon sa ulat ni John Consulta sa Unang Balita nitong Huwebes.

Kasalukuyang nagla-live selling ang suspek na si Paulino Ballano nang pumasok ang mga tauhan ng NBI na may dalang search warrant.

ADVERTISEMENT

Aabot sa 631 piraso ng pekeng luxury bags, wallet, scarf at iba pang leather goods ang nakuha sa kaniya. Nagkakahalaga raw ang mga ito ng P86 milyon.

Ang ibang buyer daw ng suspek ay mula pa sa ibang bansa tulad ng Taiwan, US, Canada at United Arab Emirates, ayon sa NBI.

Ayon sa suspek, hindi lahat ng kaniyang binibenta ay peke.  —KBK, GMA News