Nakapagtala ng 4,973 na mga bagong COVID-19 cases ngayong Lunes sa Pilipinas, at bumaba sa 48,917 ang mga pasyenteng nagpapagaling.

Ayon sa Department of Health, sinabing 1,184,706 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, at anim na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos.

ADVERTISEMENT

Pagkaraan ng dalawang buwan, bumaba na sa 48,917, ang active cases kung saan 92.9% ang "mild," 2% ang "asymptomatic," 2.1% ang "severe," at 1.6% ang "in critical condition."

Nadagdagan ngayon ng 6,666 ang mga gumaling para sa kabuuang bilang na 1,115,806.

Mayroon namang 39 na pasyente ang nadagdag sa mga nasawi na may kabuuang bilang na ngayon na 19,983.

Sa datos ng DOH, nakasaad na 60% ng intensive care unit beds sa bansa ang nagagamit, at nagagamit din ang 40% ng mechanical ventilators.

Sa National Capital Region, 61% ng ICU beds at 39% na ventilators ang ginagamit. — FRJ, GMA News