Anim ang sugatan matapos silang maararo ng isang truck na walang driver sa Quezon City.

Ayon sa ulat ni Nico Waje sa 24 Oras nitong Linggo, panandaliang nag-park ang truck driver para kumuha ng pagkain sa kanilang bahay pero wala na ang truck pagbalik niya.

Naararo ng truck ang isang closed van, isang jeep at isang van.

Ayon sa pulisya, magtatapon sana ng basura ang truck sa isang dump site sa Rizal. Thirty tons ang max limit ng truck pero 50 tons daw ang laman nito.

"Kumuha po ako ng pagkain sa bahay eh pagbalik ko po, bigla na po nawala 'yong truck sa pinagparadahan ko," ani driver.

Mahaharap sa kasong simple negligence resulting in multiple damage to property and multiple physical injuries ang suspek.

Nasa ospital pa at nagpapagaling ang mga biktima. — Ma. Angelica Garcia/BM, GMA News