Dead on the spot ang isang rapper matapos pagbabarilin sa Alabang, Muntinlupa, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang biktimang si Jomer Galicia o kilala rin sa tawag na OG Kaybee.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng puting van ang tatlong suspek at pinagbabaril ang biktima sa tapat ng isang mall.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.

Inaalam pa ng otoridad ang motibo sa krimen at tinutugis na rin ang mga suspek.

Ayon sa hiwalay na ulat ni Jhomer Apresto ng Super Radyo dzBB, nakasuot ng puting T-shirt ang mga suspek. —KBK, GMA News