Naresolba na ang sigalot kina San Juan Knights-Go for Gold assistant coach Yong Garcia at Valenzuela player Lordy Casajeros, na naglalaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Nitong Miyerkules, nag-post sa social media ang San Juan Knights-Go for Gold ng larawan ng dalawa na may nakasaad na: "All's well."

Kasama nina Garcia at Casajeros sa larawan si senator-elect Jinggoy Estrada, na team owner ng San Juan Knights.

Nitong Martes, inihayag ng San Juan na pinatawan nila ng one month suspension si Garcia matapos niyang duraan si Casajeros sa kanilang laban sa MPBL noong Lunes.

Humingi na ng paumanhin si Garcia sa kaniyang ginawa na tinawag niyang "unacceptable and unprofessional behavior as a basketball coach."

"My actions were uncalled for and I could have handled it so much better," ani Garcia. "There is no place for that behaviour in sports. I am truly truly sorry. I am fully committed to setting my path straight and winning the community’s trust back. I seek for everyone’s forgiveness and accept the full consequences of the incident." —FRJ, GMA News