Isang fetus ang natagpuan sa madilim na eskinita sa Tondo, Maynila.

Nakalagay ang fetus sa isang garapon nang madiskubre ng isang residenteng naglilinis sa lugar, ayon sa ulat ni Jhomer Apresto sa Super Radyo dzBB nitong Linggo.

ADVERTISEMENT

Sa isang eskinita sa Lakandula Street, Barangay 33 natagpuan ang fetus.

Agad iniulat ng residente sa barangay ang pangyayari, at ito naman ang nag-abiso sa pulisya.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, walang naiulat na buntis sa lugar.

Inaalam pa ng Manila Police District kung sino ang nag-abandona sa fetus.

Kasalukuyang nire-review ng mga awtoridad ang mga CCTV video na posibleng may kuha sa lugar. —KG, GMA News