Nabulilyaso ang tangkang pagnanakaw sa isang establisimyento sa Las Piñas City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang lalaki na umaaligid sa labas ng establisimyento. Hindi na nakunan ang pagpasok ng lalaki at ng kasabwat niya.

ADVERTISEMENT

Matapos makatanggap ng tip mula sa isang saksi ang mga pulis, agad nilang pinuntahan ang lugar at nabisto ang nangyayaring panloloob.

Arestado ang magkapatid na suspek na kinilalang sina Marvin at Ricky Torion. Na-recover sa kanilang ang vault na naglalamat ng mahigit P100,000 at ang dalawang screwdriver na kanilang ginamit.

Wala pang pahayag ang dalawang suspek at ang may-ari ng establisimyento. —KBK, GMA News