Nahuli ang isang lalaki sa loob ng EDSA Carousel bus na may dalang ice pick, ilang mga patalim, at sumpak ng dahil umano sa isang alistong parahero.

Iniulat ni Corinne Catibayan sa Unang Balita nitong Miyerkules na isinumbong sa mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ng isang pasahero ang isang lalaki sa loob ng bus na kahina-hinala umano ang kilos.

ADVERTISEMENT

Nakahinto at nag-aabang ng mga pasahero ang bus na kanilang sinasakyan sa EDSA busway sa may Monumento Station.

Nang puntahan ng isang operatiba ng I-ACT ang lalaki, napansin niyang may dala itong ice pick.

Agad na hinuli ng mga awtoridad ang lalaki. Maliban sa ice pick, nakuha mula sa kanaya ang ilang patalim at sumpak.

Walang pahayag ang suspek. —LBG, GMA News