Nabulabog ng mga putok ng baril ang Christmas lighting event sa isang plaza sa Cotabato City, ayon sa ulat sa “Unang Balita” ngayong Miyerkules.

Ayon sa ulat, katatapos lang buksan ni Mayor Bruce Matabalao ang mga pailaw nang biglang umalingawngaw ang mga putok ng baril sa hindi kalayuan.

ADVERTISEMENT

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, isang security guard ng convenience store ang nagpaputok ng baril habang hinahabol ang isang magnanakaw.

Wala naman sugatan sa nangyari, dagdag pa ng ulat.—Mel Matthew Doctor/LDF, GMA Integrated News