Dalawang mananaya ang maghahati sa mahigit P73 milyong jackpot prize sa Megalotto 6/45 nitong Miyerkules ng gabi, Pebrero 1, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na mga numero sa naturang draw ay 37-29-42-21-27-05, at may kabuuang premyo na P73,481,247.20.

Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong Grand Lotto 6/55 draw na may jackpot prize na P29,700,000.00.

Ang winning combinations na lumabas ay 40-08-45-06-23-41.

Nitong Martes, isang mananaya sa Pateros ang solong nanalo ng P25 milyong jackpot prize sa lotto 6/42. --FRJ, GMA Integrated News