Patay ang dalawang lalaki at isang babae matapos tambangan ang sinasakyan nilang kotse sa Don Carlos Village, Pasay City.

Sa ulat ni Manny Vargas ng Super Radyo dzBB sa Unang Balita, sinabing pinagbabaril ng dalawang lalaki ang mga biktima ng 12:21 a.m. nitong Huwebes.

Napatakbo pa ng driver ng ilang metro ang sasakyan matapos ang pamamaril, bago sila bumangga sa poste sa gilid ng isang creek.

Nagmula sa Batangas umano ang mga biktima.

Nakuha ng mga awtoridad ang mga drug paraphernalia, mga baril, at pera mula sa tinambangang kotse. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News