Nasawi ang isang 60-anyos na lalaking may kapansanan matapos siyang bugbugin ng mga Navy officer sa Chile.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, mapapanood ang ginawang pambubugbog ng grupo ng mga opisyal sa biktima madaling araw noong Biyernes.

Makikitang hinampas pa ng saklay sa ulo ang biktima.

Hindi pa malaman ang dahilan ng pambubugbog sa biktima, na nasawi kalaunan dahil sa traumatic brain injury.

Nahaharap na sa kaso ang mga Navy officer.  —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News