Sinagip ng Bureau of Fire Protection ang isang aso na na-stranded sa bubong ng bahay sa Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend, makikita sa video na stranded sa dulo ng bubong ang isang aso sa gitna ng tirik na araw pasado ala una ng hapon kanina.

Ayon sa video uploader na tumawag ng rescue, hingal na hingal ang aso sa tindi ng init.

Maingat na nilapitan ang aso ng mga tauhan ng BFP para masagip siya.

Hindi pa tukoy kung sino ang may-ari ng aso at kung paano siya napunta roon. Ito ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng isang kagawad ng barangay. — BM, GMA Integrated News