Naglabas ng listahan ang Philippine Statistics Authority tungkol sa mga pangunahing trabaho sa bansa na mayroong pinakamataas na arawang sahod. May listahan din ng mga trabaho na may pinakamababang daily wage.

Ang listahan ay batay sa resulta ng Labor Force Survey (LFS) noong Enero 2025 na inilabas nitong Huwebes.

Narito ang limang pangunahing trabaho na may pinakamataas na arawang sahod:

1. Managers na tumatanggap ng average daily wage noong Enero 2025 na P1,300, na bahagyang mas mababa sa P1,356 noong Enero 2024.

Inilarawan ng PSA ang managers na mga empleyado na "who plan, direct, coordinate and evaluate the overall activities of enterprises, governments, and other organizations.”

2. Trabaho sa Armed Forces na P1,174 ang average daily wage na mas mataas sa P1,095 per day noong nakaraang Enero 2025.

Kasama sa mga trabaho sa Armed forces ay mga kasapi ng hukbong sandatahan, maliban sa civil defenses gaya ng mga pulis at customs inspectors.

3. Mga professionals ang pangatlo na ang daily basic pay ay nasa P1,173, na mas mataas sa P1,113 noong nakaraang taon.

Ayon sa PSA, ang mga professional ay mga nagpapatupad ng "scientific or artistic concepts and theories in their task such as in the fields of sciences, social sciences, legal and social services, art, among others."

4. Pang-apat ang mga technician at mga katulad na propesyon na tumatanggap ng arawang sahod na P855 na mas mataas sa P786 noong Enero 2024.

Ang mga technician ay nagsasagawa ng mga teknikal na gawain na konektado sa mga scientific o artistic concepts, operational methods, at mga regulasyon sa gobyerno at negosyo.

5. Pang-lima ang clerical support workers na ang daily basic pay ay nasa P739, na mas mataas sa P708 sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Paliwanag ng PSA, kasama sa clerical support work ang recording, organizing, storing information and performing clerical duties gaya ng paghawak sa pondo, travel arrangements, at appointments.

Samantala, ang limang trabaho naman na may pinakamababang daily basic pay, ayon sa PSA ay ang:

  •     Elementary occupations — P416
  •     Skilled agricultural, forestry, and fishery workers — P418
  •     Service and sales workers — P531
  •     Plant and machine operators and assemblers — P572
  •     Craft and related trades workers — P573

Ang elementary occupations ay mga simpleng gawain na kailangang gumamit ng hand-held tools gaya ng cleaning, restocking ng supplies, basic maintenance, pagtulong sa kusina, paglilinis sa kalsada, at iba pa.

Ang skilled agricultural workers ay mga nag-aalaga sa mga taniman, nag-aani, nag-aalaga ng mga hayop, nangingisda, at mga nagbebenta ng kanilang produkto sa merkado.

Ang mga gawain naman ng service and sales workers, ayon sa PSA ay kinabibilangan ng "housekeeping, preparing and serving food and beverages, providing basic health care, posing as models for advertising, hairdressing and beauty treatments, enforcing of law, selling goods at stalls and markets.

Äng plant and machine operators and assemblers ay mga tao nagpapatakbo at sumusubaybay sa industrial and agricultural machinery and equipment.

Habang ang craft and related trades ay mga tao na may espesyal na kaalaman at husay sa paggawa at magmantine ng mga gusali, gumagawa ng handicrafts, pottery and glass, gumagawa ng metal structures or welding at casting metal. — mula sa ulat ni Ted Cordero/FRJ, GMA Integrated News