Nasawi ang isang 32-anyos na babaeng angkas sa isang motorcycle taxi matapos nitong makagitgitan ang isang dump truck sa bahagi ng Mel Lopez Boulevard sa Maynila.

Sa ulat ni Manny Vargas sa Super Radyo DZBB nitong Miyerkoles, sinabing kinilala ang babae ng kaniyang kinakasama, na nakatanggap ng abiso mula sa barangay tungkol sa insidente.

Base sa salaysay ng kinakasama ng biktima, pauwi na sana sa Caloocan ang babae nang maganap ang insidente dakong 11 a.m.

Dead on the spot ang biktima.

 

 

Nasa kustodiya na ng barangay ang rider at ang driver ng dump truck.

Nagdulot ng pagbagal sa daloy ng trapiko ang aksidente matapos barikadahan ang gitnang parte ng Mel Lopez Boulevard. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News