Sa Tarlac City tinayaan ang ticket na tumama sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Linggo, Abril 6, 2025, na jackpot prize na P223.7 milyon.

Sa Facebook post ng PCSO Games Online Hub, nakasaad na ang winning number combination na 09-11-02-23-26-07, ay tinayaan sa isang lotto outlet sa Barangay Maliwalo sa nasabing lungsod.

Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49, ang lumabas na mga numero ay 28-26-41-38-44-09, at may jackpot prize na P65,907,081.60.

Narito ang iba pang resulta ng lotto draws. FRJ, GMA Integrated News