Isang truck ang sumabit sa toll booth ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela.Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, naganap ang insidente bago mag-hatinggabi sa southbound lane ng Paso De Blas Exit.Ayon sa pamunuan ng NLEX, nagkamali ang driver sa pagtantsa ng distansiya ng sasakyan sa toll."At approximately 11:34 p.m. on April 23, 2025, a 22-wheeler flatbed trailer loaded with feeds sideswiped the rightmost toll booth at the Valenzuela Interchange Southbound entry. Fortunately, there were no injuries, and no traffic congestion resulted from the incident," sabi ng NLEX Corp. sa isang pahayag."Initial investigations revealed that the driver miscalculated the distance between the trailer's backload and the toll booth, which caused property damage. Following standard procedures, the case has been handed over to the PNP Valenzuela for further investigation," ayon sa kompanya.Dagdag ng NLEX Corp., naialis na ang truck mula sa toll lane, pero isinara muna ito dahil sa mga pinsalang idinulot ng sasakyan. Nananatili namang bukas ang tatlong iba pang toll lanes.Hindi pa muna nagbigay ng pahayag ang driver habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente, ayon sa Balitanghali. — Jamil Santos/ VDV, GMA Integrated News