Malaki ang kalamangan ni Vico Sotto sa kaniyang katunggali sa mayoral race sa Pasig City. Inaasahan naman ang pagbalik ni Isko Moreno bilang alkalde ng Maynila dahil sa malaking agwat niya sa kaniyang mga katunggali.

Base sa partial and unofficial results ng Eleksyon 2025 na 100 percent na naprosesong election returns nitong May 13, ng 12:25 am, nakakuha ang incumbent mayor na si Sotto ng 392,738 na boto.

Habang ang pumangalawang si Sarah Discaya, may 32,388 na boto. Ang mga sumunod sa kanila ay sina Cory Palma (339) at Eagle Ayaon (338).

Sa labanan sa vice mayor, nanguna ang incumbent na bise alkalde na si Dodot Jaworski na may 324,839 na boto.

Ang mga nakatalaban niyang sina Iyo-Caruncho Bernardo at Kuya-Marc Dela Cruz, nakakuha naman ng 79,540 at 6,303, ayon sa pagkakasunod.

Sa labanan sa pagka-alkalde sa Maynila na 100 percent na rin ang naprosesong ERs, nanguna si Isko Moreno na may 560,637 na boto.

Sumunod sa kaniya ang incumbent mayor na si Honey Lacuna na may 197,705 na boto, at si Sam Verzosa na may 171, 271 na boto.

Ang iba pang kandidatong alkalde sa Maynila ay sina Raymond Bagatsing (6,471 boto), Michael Say (2,430), Mahra Tamondong (1,973), Ervin Tan (860), Enrico Reyes (766), Jerry Garcia (634), Alvin Karingal (571), at Jopoy Ocampo (442).

Sa labanan sa pagka-bise alkalde, nanguna rin ang katandem ni Isko na si Chi Atienza na may 615,212 na boto, na sinundan ni Yul Servo na may 259,537 na boto.

Ang iba pang kandidato sa pagka-bise alkalde ay sina Anthony Magno (17,810), Pablo Ocampo (9,436), Arvin Reyes (8,393), Solomon Say ( 7,198), at Remy Oyales (2,217).

Bisitahin lang ang GMA News Online at i-click ang eleksyon2025.ph para sa partial, unofficial election results para sa mga kadidatong senador, party-list, at maging sa mga lokal na posisyon. –FRJ, GMA Integrated News

For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.