Nagbitiw sa kaniyang posisyon ang chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC) na si Monalisa Dimalanta.
Kinumpirma naman ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa mga mamamahayag nitong Lunes ang naturang pagbibitiw ni Dimalanta.
Ayon kay Castro, irrevocable ang isinumiteng resignation letter ni Dimalanta.
Hindi nagbigay ng dahilan si Castro kung bakit nagbitiw ang nasabing opisyal.—FRJ, GMA Integrated News

