Isang babae na nagtitinda malapit sa bangketa sa Commonwealth Avenue, Quezon City matapos siyang maipit sa bus na nawalan ng preno at biglang umagtras nitong Linggo ng hapon.
Sa ulat ni James Agustin sa GMA News Unang Balita nitong Lunes, makikita sa video footage na nakatigil ang bus nang dahan-dahan itong umatras at tuluyang sinuyod ang mga nagtitinda sa gilid ng kalsada, at nakaladkad ang biktima.
Tumigil lang sa pag-atras ang bus nang tumama sa poste ng footbridge.
Nadala pa sa ospital ang 53-anyos na biktima pero binawian din ng buhay.
Ayon sa pulisya, lumitaw sa inisyal na imbestigasyon na nagbababa ng pasahero ang bus nang maramdaman umano ng driver na nawalan ito ng preno at nagsimulang umatras.
Nasa kustodiya naman ng pulisya ang 50-anyos na driver ng bus na mahaharap sa mga reklamong reckless imprudence resulting to homicide and multiple damage of properties.
Tumanggi siyang magbigay ng pahayag. – FRJ, GMA Integrated News
