Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabi ng LTO na mahaharap ang bus driver sa reklamong paglabag sa Land Transportation Traffic Code dahil sa reckless driving.
Bukod dito, pinagpapaliwanag din ang kumpanya ng bus hinggil sa insidente.
Sinuspinde na ng Kersteen Joyce Transport ang kanilang bus driver, at tumanggi nang magbigay ng ibang detalye.
Samantala, pagpapaliwanagin din ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang isang modern jeepney driver na nakunan ding nag-o-online sugal habang nagmamaneho sa EDSA.
Sinabi ng uploader ng video na hindi na napapansin ng modern jeepney driver ang ibang sasakyan habang nagse-cellphone.
Tumigil lang ang driver sa pagse-cellphone matapos siyang sitahin ng isang pasahero.
Wala pang update ang LTO tungkol sa aksiyon nito sa modern jeepney driver.
Sinisikap pa ng GMA Integrated News na kunin ang panig ng dalawang driver. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News
