Ligtas ang lahat na nakasakay sa isang pampasaherong bus na nagliyab sa NLEX kanina. 

Ayon sa 24 Oras Weekend ngayong Linggo, biglang nagliyab ang bus sa bahagi ng North Luzon Expressway sa Angeles City kaninang madaling araw.

Nakalabas ang lahat na 51 na sakay nito bago tuluyang nilamon ng apoy ang bus. Ligtas at walang nasaktan sa kanila. Mabilis ring naapula ang apoy.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagliyab nito. — BM GMA Integrated News