Isang mananaya ang nanalo ng halos P90 milyon na jackpot prize sa Superlotto 6/49 draw nitong Martes, August 19, 2025.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lumabas na mga numero sa Superlotto 6/49 ay 17-27-21-30-15-12, na may kabuuang premyo na P89,548,070.20.
Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58, na umaabot na ang premyo sa mahigit P373 milyon. Ang lumabas na mga numero ay 15-43-07-40-52-29.
Wala rin nanalo sa isa pang major draw na Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 24-28-26-05-35-20, at may nakalaang premyo na P39,462,472.80.
Bisitahin ang site para sa iba pang lotto result. — FRJ GMA Integrated News

