Tatlo ang sugatan matapos bumangga ang isang SUV sa isang garbage collector truck sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Linggo ng umaga.

Nangyari ang aksidente malapit sa Commission on Human Rights sa bahagi ng Commonwealth Avenue na papuntang Fairview, ayon sa ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB pasado alas-sais ng umaga.

Wasak ang harap na bahagi ng SUV at nagkalat ang ilang parte ng nasabing sasakyan sa kalye.

Dalawang sakay ng truck at ang driver ng SUV ang naiulat na sugatan.

Iniimbestigahan na ng Traffic Bureau ng Quezon City ang insidente.

Apat na lane ng Commonwealth Avenue ang naokupa dahil sa aksidente.

Samantala, dumating na ang tow truck para hilahin ang SUV. —KG GMA Integrated News