Isang pickup truck ang nahulog sa isang bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Sabado nang umaga.

Nangyari ang insidente sa may Don Antonio Heights papuntang Elliptical Road sa may bahagi ng ginagawang MRT-7, ayon sa ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB.

Bago nahulog ang pickup truck, inararo muna nito ang ilang plastic delineators.

Hindi naman nasugatan ang driver at mga pasahero ng pickup truck.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Metropolitan Manila Development Authority, nakatulog umano ang driver kaya't nagdire-diretso ito sa ginagawang hukay para sa MRT-7. —KG GMA Integrated News