Binalikan ni Christian Bautista nang manatili siya bilang isang kaibigan kay Mark Bautista, lalo na nang isiwalat ng huli na isa siyang bisexual noong 2018.
Sa kanilang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, nabasa noon ni Christian ang mga balitang naglantad na si Mark.
Ang Asia's Romantic Balladeer, suportado sa ginawa ng kaibigan.
“Hey, I’m your friend, no matter what and I’m here for you,” sabi ni Christian kay Mark.
Kaya si Mark, malaki ang pasasalamat kay Christian.
“That’s what I like about Christian also. Kasi when things were parang uncomfortable, hindi siya ‘yung parang dumistansya or hindi siya ‘yung parang na-fi-feel mo na nawala or something,” sabi ni Mark.
Isinulat noon ni Mark ang aklat niyang “Beyond the Mark” kung saan niya tinalakay ang kaniyang paglalantad.
“I’m actually very, very happy,” ani Mark.
Magmula nito, tumibay pa ang pagkakaibigan nina Christian at Mark at katunayan, naging close pa si Mark sa asawa ni Christian na si Kat Ramnani.
Magkakasama sina Christian at Mark sa concert na “Bautista X Bautista,” na gaganapin sa Marso 6 sa New Frontier Theater sa Quezon City.—FRJ GMA Integrated News

_2026_02_18_17_20_07.jpg)