Nahuli-cam ang pagkuha umano ng ilang bumbero ng mga alak mula sa isang nasunog na supermarket sa Quezon City nitong Miyerkoles.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, itinanggi ng Bureau of Fire Protection na mga tauhan nila ang nakuhanan ng video dahil hindi kagaya ng uniporme nila ang suot ng mga ito.

Bukod dito, nahuli rin ang isang lalaki na tumangay ng bakal mula sa gate ng nasunog na pamilihan.

Nagsasagawa na umano ng imbestigasyon ang BFP kaugnay ng mga insidente.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) spokesperson Fire Superintendent Anthony Arroyo, ang nakuhanan ng video ay nangyari habang nagsasagawa ng firefighting at mop-up operations.

Sinabi rin ni Arroyo na kung na kung mapapatunayan na volunteer firefighters ang sangkot sa insidente, aalisan ito ng Certificates of Competency bilang bumbero.

Batay sa huling ulat ng mga awtoridad, 80% ng establisimyento ang natupok, at isang bumbero ang nasugatan.

Batay sa social media posts ng supermarket, humihingi sila ng paumanhin sa abalang na idulot ng sunog sa mga kostumer. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News