Naibenta na ang kontrobersiyal na Rolls-Royce Cullinan (2013) na dating pagmamay-ari ng mga Discaya, na viral nang sabihin ng kontratistang si Sarah Discaya na may kasama itong libreng payong.

Sa ikatlong pampublikong subasta ng Bureau of Customs (BOC) para sa mga nakumpiskang luxury vehicle, naibenta ang nasabing sasakyan sa Baguio theme park na Igorot Stone Kingdom Inc.

Ang Rolls-Royce Cullinan (2013) ang tanging sasakyan na naibenta sa 10 mamahaling sasakyan, na ang walo ay pagmamay-ari ng mag-asawang Discaya sa naturang subasta.

Ang sasakyan ay naibenta sa Baguio na Igorot Stone Kingdom Inc., sa halagang P29,026,000.00, mula sa floor price nitong P29,025,132.58.

Sa isang panayam kasunod ng subasta, sinabi ni Igorot Stone Kingdom founder and CEO Pio Velaso sa mga reporter na, “the Igorot people want to preserve history,” at idinagdag na nais nilang iligtas ang sikat na sasakyan mula sa mga pagkondena kung hindi ito maibebenta pagkatapos ng dalawang magkasunod na pampublikong subasta.

Halagang P45.314 milyon ang floor price ng Rolls-Royce Cullinan (2013) nang unang isubasta noong Nobyembre 2025. Ibinaba ito sa P36.28 milyon sa pangalawang subasta noong Disyembre 2025, ngunit wala pa ring bumili.

“Our purpose was to save it from eventual destruction if ever… and to preserve a piece of history [because] this car is historical because it opened the floodgates and the interest of the nation to this rampant corruption,” sabi ni Velasco.

Sinabi ni Velaso na maaaring magdesisyon ang Igorot Stone Kingdom Inc. kung idi-display ito para sa public viewing.  

Kabilang naman sa mga hindi nabili ang mga sumusunod na sasakyan:

  •     Bentley Bentayga (2022) with a floor price of P11,103,040.30
  •     Lincoln Navigator (2024) with a floor price of P8,642,319.86
  •     Cadillac Escalade (2021) with a floor price of P7,747,289.21
  •     Maserati Levante Modena (2022) with a floor price P4,091,916.72
  •     GMC Yukon XL Denali (2022) with a floor price of P6,759,673.35
  •     Cadillac Escalade ESV (2022) with a floor price of P8,278,445.48
  •     Bugatti Chiron red (2019)  with a floor price of P160,434,633.60
  •     Bugatti Chiron blue (2017) with a floor price of P149,947,621.44

Ted Cordero/Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News