Patay ang dalawang lalaki sa isang condominium sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa guwardiya ng condominium, humihinga pa ang isang biktimang duguan nang datnan nila sa hallway.

Pero binawian din ito ng buhay habang hinihintay ang pagdating ng ambulansiya.

Duguan din ang isang lalaki na natagpuan sa ground floor ng kaparehong gusali.

Sinubukan siyang isugod sa ospital pero hindi na siya umabot ng buhay.

Ayon sa guwardiya ng condominium, bago ang insidente ay may ilang tenant na nagsumbong na nakarinig sila ng sigaw ng paghingi ng tulong, pero pag-akyat nila ay wala raw silang narinig na ingay.

Narekober sa loob ng unit ng biktima ang isang martilyo.

Ayon sa kaanak ng isang biktima, kilala niya bilang mabait na tao ang kanyang kapatid.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari.

Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang pahayag ng pamunuan ng condominium. —KG GMA News