Nagpakilig sina “The Secret of Hotel 88” stars Dustin Yu at Bianca De Vera sa kanilang mga tagahanga sa kanilang fanmeet kamakailan. Ang kanila namang supporters, naghandog ng ayuda para sa mga tsuper ngayong panahon ng krisis.
Sa Chika Minute report ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing galing kamakailan sina Dustin at Bianca sa Vietnam at Hong Kong at in-enjoy ang best food, views, at company.
Ikinatuwa at ikinakilig ng fans ang posts ni Dustin ng photos ng view at ni Bianca na may caption, na “i love the view :)” at “beautiful nga :)”
“Food trip, saka ‘yung pag-picture ko sa kaniya. Magaling kasi ako mag-picture,” biro ni Dustin.
“Nag-enjoy ako mag-shopping, saka nag-enjoy ako kumain, and of course, Dustin likes to eat all. And so the people we were with love to eat,” sabi naman ni Bianca.
Looking forward sina Dustin at Bianca sa kanilang upcoming project na malapit nang mapanood.
“We're so excited because it's going to be our second music video together,” ani Bianca.
“Puro kami tawa, puro kami kulitan. As in, nakipag-bonding kami,” dagdag ni Dustin.
Sa ngayon, kaaabangan kung ano ang mangyayari sa kanilang mga karakter sa series na “The Secrets of Hotel 88.”
“So ngayon, madami nang nare-reveal. Mas madami pa sa mga susunod,” ani Dustin.
“Madami pang manggugulo, madami pang mga secrets,” sabi naman ni Bianca.
Ngiti naman ang hatid ng DustBia fans na naghatid ng libreng gas at pagkain para sa jeepney drivers, bukod sa pag-organisa ng get-together kasama ang mga idolo. —Jamil Santos/VBL GMA News
