Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkoles ang mga senador na “bumalik na sa trabaho” matapos maantala ang mga sesyon sa plenaryo dahil sa “no show” ng majority bloc.

“Get back to work. Get back to work because it’s important. Ang dami nating kailangang gawin,” sabi ni Marcos.

“I’m afraid whatever all these events that we have been witnessing have thrown the Senate and its leadership, the whole Senate, into disarray. It has discredited the leadership. It stopped the essential business of legislation in government,” dagdag niya.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa isang ambush interview sa Lungsod ng Maynila kung saan pinangunahan niya ang ceremonial turnover ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) Financial Assistance at isang meet and greet kasama ang presidential scholars.

Ipinunto rin ni Marcos na patuloy na ginagampanan ng Ehekutibo at Hudikatura ang kanilang mga tungkulin.

“Why does the legislature decide to stop working? I don’t understand that,” dagdag niya.

Ani Marcos, na isa ring dating senador at kongresista, na bago magkansela ng sesyon ang isang kapulungan, kailangan itong ipaalam sa kabilang kapulungan tatlong araw bago ang kanselasyon.

“There has to be a very good reason for cancelling a session,” sabi niya.

Kinuwestyon ni Marcos ang desisyon na kanselahin ang sesyon ng Senado dahil sa mga usaping may kinalaman sa pagsama sa isang kapwa senador.

“I don’t think na ihahatid mo ang isang senador para pumunta kung saan siya pupunta, hindi yata sapat na dahilan ‘yan para i-cancel ang isang session. Isang session lang ‘yun, ngayon kanselado na naman ang isang session. Hindi ko nga maintindihan kung papaano sila magtatrabaho ‘pag ganito.”

Noong Lunes, walang ginanap na sesyon ang Senado matapos hindi dumalo ang mga miyembro ng mayorya kasunod ng pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng kasong pandarambong.

‘In disarray’

Inihayag ni Marcos ang kaniyang pagkadismaya sa mga pangyayari sa Senado, at sinabing makaaapekto ito sa sambayanang Pilipino dahil hindi maipapasa ang mga panukalang batas nang walang sesyon sa Senado.

“The best description I can have is that the legislature is now in disarray. But that is exactly the opposite of what we are trying to achieve," anang Pangulo.

"We are trying to achieve some form of stability so that people can get on with their lives, so that people can plan ahead for their future, so that people can count on the assistance of government during this time of an emergency,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin pa ni Marcos na hindi magagampanan ng pamahalaan ang mga tungkulin nito kung hindi magtatrabaho ang lehislatura.

“We cannot do that if the legislature decides to stay at home and have a vacation. That is anathema to everything that governance is about,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Marcos na hindi niya inakala sa buong buhay niya sa politika na maaaring mangyari ang ganitong mga eksena, lalo na sa Senado.

“It’s a very, very sad situation to have to watch. The country is in need of assistance. People are in need of assistance. How can we provide that assistance without the proper legislation to back it up? That is my problem here looking at it from the side of the Executive,” sabi niya.

Mga posibleng lunas

Nang tanungin kung ano ang gagawin niya bilang Presidente, sinabi ni Marcos na tinitingnan niya ang lahat ng anggulo.

“We’re looking at the law, we’re looking at the Constitution to see how we can remedy the situation. But it requires the cooperation and the commitment of the Senate leadership to continue with their work,” sabi niya.

Nilinaw ni Marcos na may hangganan ang kapangyarihan ng Ehekutibo sa Lehislatura.

“The Executive is co-equal only to the legislature. We cannot tell them what to do, we cannot punish them for what they are doing," dagdag pa niya.

"They have to regulate themselves. And they haven’t been doing much of a good job right now,” sabi pa ni Marcos.

Senator Imee

Pinabulaanan naman ni Senator Imee Marcos, kapatid ng Pangulo at miyembro ng majority bloc, ang mga pahayag nito, at sinabing “still working” pa rin ang mga senador.

“We are continuously working, the committee hearings have persisted and the documents for the pre-trial conference of the impeachment are being processed. In fact, we will have a Blue Ribbon Committee hearing tomorrow on the flood control scandal,” sabi niya sa mensahe sa mga reporter.

“Sa ngayon, kung ang Pangulo ay may minus/negative 15 satisfaction rating (SWS), palagay ko, kung anuman ang sabihin o gawin niya, hindi sang-ayon ang publiko,” dagdag pa niya.

Alan Peter Cayetano

Nanawagan ang mga minority senator nitong Martes para sa pagbibitiw ni Senate President Alan Peter Cayetano matapos ang patuloy na pag-absent ng majority bloc sa mga sesyon sa plenaryo.

“Senate President Alan Peter Cayetano SHOULD RESIGN as he has shown that he cannot function as the leader of the Senate,” sabi nila sa isang joint statement.

“The Senate cannot be made to stop working simply because its presiding officer refuses to lead,” dagdag pa nila.

Sa isang Facebook Live, ipinaliwanag ni Cayetano na hindi dumalo ang majority bloc sa sesyon upang protektahan ang integridad ng mga komite at matiyak ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa isyu ng flood control.

Itinanggi naman ito ng minorya, na may 11 miyembro, at sinabing “figment of their imagination” lamang ito ng mayorya.

“Walang pinipigil na hearings. Figment of their imagination ang ginagawa nila. Wala kaming ginagawang hadlang sa proseso ng Senado at mga agenda ng Senado,” sabi ni Senator Juan Miguel Zubiri.—MCG GMA News