Winakasan ni Iva Jovic ang ilang sunod na panalo ni Alexandra “Alex” Eala, at pinatalsik ang Pinay tennis star sa kampanya nito sa HSBC Championships sa iskor na 6-2, 6-2 nitong Miyerkoles sa London.
Nagharap ang magkaibigan para sa Round of 16 at tumagal lang ng isang oras at 16 minuto ang kanilang laban.
Matapos maging kampeon noong nakaraang linggo sa WTA 125 Birmingham Open, tinalo ni Eala sa Round of 32 ng HSBC Championships si Zhang Shuai, 6-3, 6-2, para umusad sa Round of 16 kung saan nakaharap niya si Jovic.
Nitong nakaraang Mayo, maaga ring mapatalsik si Eala sa 2026 French Open matapos ding biguin ni Jovic sa first round, 6-4, 6-2.
Matapos ang kaniyang kampanya sa HSBC Championships, nakatakdang lumaban naman si Eala sa Berlin Tennis Open sa Germany sa susunod na linggo.
– FRJ GMA News

