Inaresto nitong Huwebes ang negosyante at dating Ilocos Sur governor na si Chavit Singson kaugnay ng mga kasong cyber libel, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Inaresto si Singson sa kaniyang bahay sa Barangay Ugong Norte, Quezon City, dahil sa umano’y paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ang warrant of arrest ay inilabas ng Branch 21 ng Regional Trial Court (RTC) sa Vigan City.

Kaagad ding nakalaya mula sa kustodiya ng QCPD Police Station 12 si Singsong matapos magpiyansa ng ₱60,000. — FRJ GMA News