Magpapakasal na nga ba ang aktres na si Bea Alonzo sa negosyante niyang nobyo na si Vincent Co?
On a Facebook livestream Sunday, St. Peter the Apostle Parish in Manila published the marriage banns of Bea and Vincent, listing them as Ferdinand Vincent Pe Co as the groom and Phylbert Angelli Escalante Ranollo as the bride.
Sa isang Facebook livestream noong Linggo, inihayag ng St. Peter the Apostle Parish sa Maynila ang marriage banns nina Bea at Vincent, na nakalista bilang sina Ferdinand Vincent Pe Co, ang groom at Phylbert Angelli Escalante Ranollo, ang bride.
Batid ng mga showbiz insider na Phylbert Angelli Ranollo ang tunay na pangalan ni Bea.
Sa mga Katoliko sa Pilipinas, ang marriage banns ay pampublikong anunsyo ng nalalapit na kasal, na karaniwang isinusumite tatlo hanggang apat na buwan bago ang nakatakdang petsa ng pag-iisang-dibdib.
Ayon sa tradisyon, binabasa ang marriage banns sa loob ng tatlong magkakasunod na Linggo upang matiyak na walang legal o ano mang hahadlang sa ikakasal.
Makaraan na ilang beses na makitang magkasama sa mga pampublikong pagtitipon, kinumpirma ni Bea noong Agosto 2025 ang relasyon nila ni Vincent, ang presidente ng Puregold Price Club, Inc.
Isang buwan matapos nito, sinabi ni Kapuso actress na engaged na sila ng nobyo, at inihayag na mas gusto niyang manatiling pribado ang mga detalye tungkol sa kanilang relasyon.
Hinihintay pa ng GMA News Online ang opisyal na pahayag ni Bea tungkol sa marriage bans na inihayag ng St. Peter the Apostle Parish.
Samantala, nakatakdang bumida si Bea sa TV series na "Whispers From Heaven." — Hermes Joy Tunac/FRJ GMA Integrated News


