Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, tinanong ang singer na si Nyoy Volante kung niligawan ba niya noon si Jennylyn Mercado, at kung nagkaroon sila ng romantikong relasyon.

“Jennylyn and I, nung mga panahon na ‘yon there was a point in time na naging close kami talaga. She was watching my shows,” sabi ni Nyoy sa host na si Tito Boy.

Ipinaalam din ni Tito Boy kay Nyoy na may ulat noon na nagselos sa kaniya si Mark Herras na naging ka-love team noon ni Jen.

“Wow, grabe naman. Hindi ko na alam yon,” natatawang sabi ng singer.

Hindi naman masabi ni Nyoy kung humantong sa pagiging magkasintahan ang pagtitinginan nila noon ni Jen.

“Hindi ko alam, walang label. What we had was what we had. It wasn’t—I mean, it was there. I was definitely very fond of her,” saad niya.

“Pero whatever we had before, it's not for being safe, pero wala naman siyang label or anything. Basta ang alam ko naging very close lang kami,” paliwanag niya.

Kasal na ngayon si Nyoy sa theater actress na si Mikkie Bradshaw, habang kasal naman si Jennylyn kay Dennis Trillo.

Kasama ngayon si Nyoy sa Kapuso series na “Born to Shine,” na napapanood mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na 2:30 p.m. sa GMA Network. — Carby Rose Basina/FRJ GMA News