Palaisipan sa fans ni Paolo Ballesteros ang tunay na estado ng love life niya dahil na rin sa mga Instagram post na may kasama siyang lalaki. Pero sa "Eat Bulaga" nitong Lunes, tila may inamin na ang TV host-actor.
IN PHOTOS: Who stole Paolo Ballesteros' heart?
READ: Paolo Ballesteros, nag-post ng bagong larawan kasama ang 'mystery guy'
Noong nakaraang linggo, may IG post si Paolo ng mga kamay na may tattoo na pinaniniwalaang kamay nila ng lalaki. Ilan sa kaniyang follower ang napaisip muli dahil sa caption nito na, "Thats it pancit," at may edited emoticon na zero face.
Sa hiwalay na IG post naman ng lalaki, may caption ang larawan nila ni Paolo na, "thanks for the memories!"
Walang opisyal na kompirmasyon na galing kay Paolo at sa lalaki kung ano talaga ang namamagitan sa kanila.
At sa "Eat Bulaga" nitong Lunes, habang tinatanong ng mga dabarkads ang love life ng ina ng "Sugod-Bahay" winner, biglang binato ni Joey De Leon ng tanong si Paolo kung may love life ba ito.
Kaagad namang sumagot si Paolo ng, "Wala na."
Nang ipaulit ni Alan K ang sinabi ni Paolo, sagot ng make-up transformation king, "Cannot repeat. Be alert.”
Bitin man ang mga pahayag ni Paolo, may pahabol naman si Bossing Vic Sotto na, "Thank you for the memories na lang."
Panoorin ang eksena sa naturang segment ng "Eat Bulaga:"
-- FRJ, GMA News
